Kahoy na Sinukuan
Ang sinukuan ay isang katawagan sa punongkahoy sa kabundukan na may kahiwagaan (misteryo o himala). Walang tiyakan kung anong uri o tawag sa kahoy na ito. Ang palatandaan nito ay mapupunang nakayuko ang lahat ng halaman o punong kahoy na nakaturo sa kaniyang kinatatayuan. Ayon sa mga mahilig sa mistisismo o lihim na mga karunungan, ang kahoy at dahon ng punong ito ay may bisa sa panggagamot sa di karaniwang karamdaman o gawa ng di nakikita. Ayon din sa kanilang kabatiran, ang punong kahoy na ito ay mapanganib lapitan lalu na kapag may liwanag ng araw o buwan. Ito ay sa dahilang ang anino nito ay makapangyarihan para maparalisa ang sinumang tamaan nito kaya malamang na mamatay. May balita na ito ay masusumpungan sa lilib ng Bundok Itim sa Bikol at ilang bahagi ng kagubatan sa Mindanaw. Ang mga salaysay tungkol sa sinukuan sa Katagalugan ay di mapatunayan dahil nangasira na ang lahat halos ng kagubatan sa nasabing rehiyon. Mahirap man ipaliwanag at paniwalaan ito, ang kahoy na ito ay isang sagisag ng hiwaga at kaibahan ng kalikasan sa bansang
Ito ay isang uri ng kahoy ng halaman na may cross sa gitna. Malalaman na ang isang halaman ay sinukuan kapag may nakita kang halaman na nakatayo sa gitna ng mga naka yukong patay ng mga halaman at puno sa isang kagubatan sa pilipinas.
Ang sinukuang kahoy ay ginagamit na agimat o talisman. Nakakapag pagaling ito ng tiyan, meron din nag sasabing nag papa-amo ito ng tao kaya ito tinawag na sinuku-an dahil lahat ng gumagamit nito ay sumusuko sa nag o-orascion. Meron din cases na ginagamit ito para maging invinsible o hindi makikita ng mga tao and gumagamit nito.
Para sa mga gustong masubukan ang power nito, di pa rin available sa ngaun dahil nsa pahiraman pa rin...
ReplyDelete